3 hineteng nahuli ng dating pinagmulta
MANILA, Philippines - Pinagmulta ng P1,000.00 ang mga hineteng nahuli ng dating sa oras ng takbo sa nilahukang karera.
Sina EG Reyes Jr., JPA Guce at JA Guce ay pinagmulta nang lumabag sa alituntuning ito na nangyari noong Peb-rero 23 sa bakuran ng Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.
“Arriving late for his schedule ride†ang kaso nina Reyes at ang dalawang Guce nang diniskartehan ang mga kabayong Love Love Love, Lex Porelli at Inamorata, ayon sa pagkakasunod.
Naghihigpit ang mga board of ste-wards sa bagay na ito para matiyak na tatakbo sa takdang oras o post time ang nakalinyang karera.
Si EG Reyes ay napatawan din ng P1,000.00 multa nang magpasikat ito sa ibabaw ng Big Daddy’s Dream matapos manalo sa nilahukang karera.
May mga hineteng binigyan din ng written warnings upang maisaayos ang kanilang pagdadala sa kabayo.
Kasama sa binigyan ng paalala ay sina Jessie Guce, Jonathan Hernandez at Antonio Alcasid Jr.
Samantala, pinatawan naman si EM Raquel ng twenty four racing days suspension nang makitaan ng kawalan ng gana sa pagdadala sa kabayong Successor noong Pebrero 23.
Si Raquel ang ikatlong hinete na napatawan ng ganitong kaparusahan kasunod nina RH Silva at KB Abobo.
Napatawan ng suspensyon si Silva matapos sakyan ang kabayong Aloha noong Pebrero 5 habang si Abobo ay dinisiplina sa kasong lack of interest sa ibabaw ng Oh Boy Iam Sweet noong Enero 30.
Sa iba pang balita, unang kabayo naman na ipinag-utos na pagpahingahin na ay ang kabayong Ballistic.
Nakitang may bali na ang paa ng kabayo matapos makatawid ng meta sa karerang ginawa noong Enero 6 at agad na ipinag-utos na pagpahingahin na ang kabayong pag-aari ni Raymund Puyat.
- Latest