LeBron humataw vs Chicago: Spurs wagi sa Clippers
CHICAGO --Kung hindi pa malinaw sa lahat, desidido ang Mia-mi na ipagtanggol ang kanilang NBA title.
Itinala ng Heat ang kanilang season-high na ikasiyam na sunod na panalo nitong Huwebes ng gabi sa pamamagitan ng 86-67 pananalasa sa Chicago Bulls sa pangu-nguna ni LeBron James na humataw ng 26 points.
Ang panalong ito ay nagpakita ng ebidensiyang handa silang ubusin lahat ng teams sa Eastern Conference at idepensa ang kanilang titulo.
“We all had a vision of how this team was going to really operate together, but there is no limit,’’ sabi ni Chris Bosh. “We can continue to get better. We can continue to play better together. Our defense can continue to improve. If we want to win in the postseason, it’s going to have to.’’
Nagtala rin si James ng 12 rebounds at 7-assists sa isa na namang impresibong performance makaraang mapigilan ang kanyang franchise-record na pitong sunod na larong umiskor siya ng hindi bababa sa 30 points.
Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 17 points sa larong kontrolado na ng Heat sa first half pa lamang para ipalasap sa Bulls ang ikapitong sunod na talo.
Sa Los Angeles, nakapagpahinga ang tumatanda nang San Antonio Spurs sa nakaraang All-Star break at ito ay naging daan para makopo ang kanilang ikalimang sunod na panalo matapos igupo ang bigating Los Angeles Clippers, 116-90 sa pa-ngunguna ng 31 points ni Tony Parker.
Lamang ang Spurs sa kabuuan ng laro kontra sa Clippers sa unang pagkakataon ngayong season para sumulong sa NBA-best 22-10 sa road games.
- Latest