Pacquiao kailangang obserbahan ni Roach
MANILA, Philippines - Sa inaasahang pagbabalik ni Manny Pacquiao sa boxing gym para sa kanyang laban sa Setyem-bre, ilang obserbasyon ang gagawin ni chief trainer Freddie Roach sa mga ikikilos ng Filipino world eight-division champion.
Sa panayam ng Los Angeles Times, sinabi ni Roach na titingnan niya kung may makikita siyang neurological da-mage kay Pacquiao na pinatumba ni Juan Ma-nuel Marquez sa huling segundo ng sixth round sa kanilang pang-apat na pagkikita noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Sa nasabing laban, ilang minutong nawalan ng malay ang 34-anyos na Sarangani Congressman matapos bumagsak na una ang mukha sa canvas.
“There are things I will be looking for in our next training camp,†sabi ni Roach ukol kay Pacquiao. “First, it is the footwork. I will be able to tell if he starts feeling for the canvas. I remember when I did. I’ll look for any slight tremors.â€
Matatandaang naging isyu ang pahayag ni Filipino neurologist Dr. Rustico Jimenez kaugnay sa nakita niyang sintomas ng Parkinson’s disease kay Pacquiao base sa mga panayam sa telebisyon.
Sa huli ay humingi ng paumanhin si Jimenez kay Pacquiao.
“I told Bob Arum that I didn’t want Manny back in the ring as soon as April,†wika ni Roach sa chairman ng Top Rank Promotions. “I think a fifth fight with Marquez in September is the right fight. I think that makes more sense now than ever.â€
Si Roach ay may Parkinson’s disease kagaya ni boxing legend Muhammad Ali.
Bago mapabagsak ng 39-anyos na si Marquez, isang split decision loss muna ang nalasap ni Pacquiao sa mga kamay ni Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo ng 2012 kung saan naagaw ng American ang suot niyang World Boxing Organization welterweight belt.
- Latest