^

PM Sports

May apela ang Malaysia sa mga PH sports officials

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umapela si Datuk Sieh Kok Chi na hono-rary secretary ng Olympic Council of Malaysia sa mga sports officials ng Pinas na tapusin na  ang mga usapin hinggil sa pagbo-boycott sa  palaro dahil walang magandang idudulot ang bagay na ito.

“The action might tarnish the image of SGF and Myanmar as the host,” paalala ng opisyal.

Wala na ang planong di magpadala ng atleta ang Pilipinas pero tiyak na limitadong bilang lamang ang isasali dahil nagkaisa ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) na ilahok lamang ang best-of-the- best athletes ng bansa sa Disyembre 11-22 beinnial meet.

Para kay Kok Chi, tapos na ang lahat ng usapin hinggil sa mga sport na dapat paglabanan sa SEA Games dahil napag-usapan na ito sa  idinaos na SEA Games Federation Meeting noong Enero.

“The issue (kuwestiyunin ang Myanmar sa paraan ng pag-oorganisa ng 2013 SEA Games) should not arise. What need to be raised has already been raised and deliberated at the SEA Games Federation meeting,” pahayag pa ng Malaysian sports official.

Hiniling ni Kok Chi na suportahan na lamang ang Myanmar para makatulong sa hangad ng host country na makaba-ngon sa  larangan ng pa-lakasan.

“Organizing the SEA Games is a platform for Myanmar to develop its sports facilities and we must support their effort, just like when Vietnam first hosted the SEA Games in 2003. Vietnam has since undergone rapid development in sports,” wika ni Kok Chi.

Nalalagay sa kontrobersya ang hosting ng Myanmar dahil sa pagpasok  ng mga larong pabor sa kanila at ang pag-aalis ng mga sports na mahina sila.

Ang Pilipinas ang isa sa kumukuwestiyon sa naging hakbang na ito ng Myanmar at nagpaplanong magpadala na lamang ng token delegation.

ANG PILIPINAS

DATUK SIEH KOK CHI

GAMES FEDERATION

GAMES FEDERATION MEETING

KOK CHI

MYANMAR

OLYMPIC COUNCIL OF MALAYSIA

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with