Final 4 layunin ni Co para sa Mapua
MANILA, Philippines - Makalaro sa Final Four sa 89th NCAA men’s basketball ang simpleng layunin ni Fortunato ‘Atoy’ Co Jr. sa kanyang unang taon bilang head coach ng Mapua Cardinals.
Natapos na ang ilang buwang paghahanap ng coach ng koponan matapos ang pagpirma ni Co, ang 1979 MVP ng PBA at isa sa 25 Greatest player ng pro league, ng tatlong taon na kontrata noong Martes.
“This year, my dream is to get into the Top 4. That would be a big achievement for the team, for me and for eve-rybody,†wika ni Co sa isang statement.
Naglaro sa Cardinals mula 1970 hanggang 1972 at MVP ng NCAA sa kanyang unang dalawang taon, si Co ang papalit kay Chito Victolero nang mag-expire na ang kanyang naunang pinir-mahang 3-year contract sa Altas.
Hindi nakapasok ang Cardinals sa Final Four noong nakaraang taon pero malaki ang tsansa ni Co na mabago ito dahil nasa koponan pa rin ang mga mahuhusay na manlalaro na sina Gabriel Banal, Josan Nimes, Mike Parala at Joseph Eriobu.
Isa sa pagtutuunan ngayon ni Co ay ang ilagay ang mga manlalaro sa pinakamagandang kondisyon at pataasin ang kanilang morale upang maging maganda ang pagsalubong sa papasok na NCAA season.
“I feel the pressure but I don’t like to make promi-ses. We will do our best. What I would want is to see my team fighting up to the end. Hopefully,with all the support, in three years we will be playing for the championship,†dagdag ni Co.
- Latest