Record para kay LeBron
MIAMI -- Tumipa si LeBron James ng 30 points mula sa 11-for-15 shooting para mapabilang sa NBA record books, habang umiskor naman si Chris Bosh ng 32 points at humakot ng 11 rebounds para igiya ang Miami Heat sa 117-104 paggupo sa Portland Trail Blazers noong Martes ng gabi.
Ito ang ikaanim na sunod na gabi na umiskor si James ng hindi bababa ng 30-points at 60% shooting para sa bagong record na nagbida sa pang-1,000 regular-season win sa kasaysayan ng Heat.
“I’m at a loss for words,’’ ani James sa isang televised postgame interview. “Like I say over and over, I know the history of the game. I know how many unbelievable players who came through the ranks, who paved the way for me and my teammates. And for me to be in the record books by myself with such a stat - any stat - it’s big-time.’’
Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 24 points para sa Miami, sinayang ang dalawang beses na pagtatala ng 14-point lead bago pinakawalan ang isang 14-0 atake sa huling minuto ng fourth quarter.
Nag-ambag si Ray Allen ng 14 para sa Heat.
Gumawa naman si Damian Lillard ng game-high 33 points para sa Portland, samantalang may 29 si LaMarcus Aldridge at 20 si Wesley Matthews.
Isinalpak ni James ang 66 sa kanyang nakaraang 92 shots sa huling anim na laro.
Ayon sa Heat, tanging sina Adrian Dantley at Moses Malone ang nakagawa ng 30-point, 60-percent streak sa limang sunod na laro na nahigitan ni James.
- Latest