Puwede ring huwag nang sumali sa SEAG--POC
MANILA, Philippines - Hindi nakakapanghinayang kung iiwasan ng Pilipinas na magpadala ng kinatawan sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.
Ayon kay POC president Jose Cojuangco Jr. na pinamunuan ang kauna-unahang POC General Assembly meeting sa 2013 kahapon na ginawa sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City, matutuwa pa ang taong-bayan kung ang mga Asian tournaments na ang pagtuunan ng Pambansang atleta sa halip na mga laro sa Southeast Asia.
“Hindi naman mala-king kawalan kung hindi tayo sasali sa SEA Games dahil may iba pang mala-laking tournaments tulad ng Asian Youth Games, Asian Indoor Martial Arts Games at ang Centennial Asian Games ang puwede nating salihan. Ito pa ang gusto ng taong-bayan dahil aangat ang ating pinaghahandaan patungong Asian level,†wika ni Cojuangco.
Nagmumuni-muni ang POC kung magpapadala ba ng limitadong bilang ng atleta o hindi na sumali sa Myanmar SEAG matapos magpasok ng maraming events na pabor sa host country at alisin ang mga larong malakas naman ang Pinas.
Halos hati ang pulso sa mga dumalong NSAs kaya’t kahit si PSC chairman Ricardo Garcia na dumalo rin sa pagpupulong, ay aminadong hindi agad mareresolbahan ang usapin.
“Dapat talagang ma-pag-usapan ng maayos ang bagay na ito. Kinikilala ng PSC ang POC at mga NSAs pero dapat nila kaming bigyan ng kasagutan sa tanong na kung bakit kailangang magpadala ng malaking delegasyon gayong sa umpisa pa lamang ay alam na natin na talo na tayo,†wika ni Garcia.
Inaalala rin ng POC ang estado ng bansa sa SEAG bagama’t aminado si Cojuangco na hindi rin nagugustuhan ang itinatakbo ng paghahari sa tuwing kada-dalawang taong palaro sa rehiyon.
Bunga nito, nais muna ni Cojuangco na mauupo pa sa POC hanggang sa taong 2016, na dinggin ang pananaw ng ibang SEA countries sa ginawa ng Myanmar.
“May mga naririnig din akong balita na ang mga dating pumayag sa ginawa ng Myanmar ay bumabaligtad na. Kaya nais ko munang marinig ang kanilang hinaing bago magdesisyon,†dagdag pa ni Cojuangco.
- Latest