^

PM Sports

Survey para kay Marquez

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bago ang kanilang pang-limang paghaharap ni Manny Pacquiao sa Set­yembre, isang tune-up fight muna ang itatakda ng Zanfer Promotions pa­ra kay Juan Manuel Marquez.

At ang makakalaban ng 39-anyos na si Marquez ay idadaan sa survey para sa mga Mexican fans.

“Juanma plans a prog­ram in which surveys will be made so that the people can decide who will fight,” sabi ni Fernando Bel­­tran ng Zanfer Pro­mo­­tions sa panayam ng ESPN Deportes.

Pinatumba ni Marquez ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo no­ong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nauna nang sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Pro­motions na hindi ma­kakalaban ang Filipi­no world eight-division champion sa Abril.

Sinabi naman ni Beltran na hindi na sila aasa kung sino ang gustong labanan ni Pacquiao.

“What we have agreed is that he owes it to fami­ly and to himself and it will be what the Mexicans decide. It is not dependent on Pacquiao,” sabi ng Me­xican promoter.

Sinabi pa ni Beltran na ang panalo ni Marquez kay Pacquiao ay nagbigay sa Mexican fighter ng ka­rangalan na pumili ng gus­to niyang labanan.

“Juanma can fight in any part of the world… and we do not depend on Pacquiao or another bo­xer. What we depend on is good training and professionalism. We are going to fight against whom the people ask us for,” ani Beltran.

Kamakailan ay pu­ma­yag na ang asawa ni Mar­quez na si Erika na ipag­patuloy ang kanyang makulay na boxing career.

Payag din si Marquez (55-6-1, 40 KOs) na gawin ang kanilang pang-limang upakan nila ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa labas ng United States.

Ito ay dahilan sa mataas na singil ng buwis ng US sa mga foreign boxers na lumalaban sa kanilang bansa.

Ang ilan sa mga pi­nagpipiliang lugar para sa Pacquiao-Marquez V ay ang Macau, Dubai at Singapore.

Itinakda ni Arum sa Ma­cau ang title defense ni Brian Viloria kay Juan Francisco Estarda sa Abril 6.

vuukle comment

ABRIL

BELTRAN

BOB ARUM

BRIAN VILORIA

FERNANDO BEL

JUAN FRANCISCO ESTARDA

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with