Naka-gold lahat ang 5 Ph boxers
KUALA LUMPUR – “You brought five boxers to KL, you bring home five golds to the Philippines. Your boys are good!â€
Ito ang pagpuri ni Maj. Subramaniam Balasingam, isang retiradong opisyal ng Malaysian Army, nag-aral sa British Military Academy sa Sandhurst, England, kaugnay sa matagumpay na kampanya ng mga boksingero ng Pilipinas.
Isang vice president ng Asian Boxing Confederation at kilala sa international boxing, siya ang nanguna sa Kuala Lumpur City Day Tournament dito sa Taman Titiwangsa Stadium.
Winalis ng PLDT-ABAP Developmental Team, nagbandera sa mga produkto ng kanilang grassroots development program na may edad 17 hanggang 20-anyos, ang lima sa walong weight ca-tegories sa nasabing 5-day invitational competition na nilahukan ng Singapore, Qatar, Brunei, Hongkong at host Malaysia.
Pinangunahan ng 17-anyos na si Jade Bornea, nag-uwi ng bronze medal sa 2012 World Youth Championships sa Armenia, ang kampanya ng mga Pinoy sa finals nang kunin ang 13-11 panalo kontra kay Malaysian Air Force boxer Mohamad Shahril Razni sa 49 kg light-flyweight.
Binigo naman ni Ge-neral Santos City pride Roldan Boncales si Singaporean Mohamed Hanurdeen Hami, 20-9, sa 52 kg championships.
Dinomina ni Jonas Bacho ang bantamweight (56 kg) finals nang umiskor ng 15-8 tagumpay laban kay Singapore bet Mohamed Ajmil Hamid.
Iginupo naman ng 20-anyos na si Nico Magliquian, nasa kanyang ikalawang international stint, si Abdulateef Mohamad Sadiq ng Qatar sa lightweight class.
Nagtabla sila sa 16-16 sa final score, ngunit kinampihan si Magliquan ng tatlo sa limang judges para sa kanyang panalo.
Binigo naman ni 2011 World Junior champion Eumir Felix Marcial si Wan Mohd Rizuan Wan Aziz sa light welterweight class.
“We wanted to give them exposure for the upcoming ASBC Asian Youth Championships in Subic this March. But these boys are very determined,†ni ABAP president Ricky Vargas.
- Latest