^

PM Sports

FIBA-Asia hosting

BALL FACTOR - Mae Balbuena - Pang-masa

Anim na buwan na lang ang nalalabi at iho-host na ng Pilipinas ang 27th FIBA-Asia Championships na qualifying tournament para sa FIBA World Championships sa Agsto 1-11.

Makasaysayan ito para sa bansa, unang-una, dahil ito ang unang pagkakataon sa nakalipas na apat na dekada na magho-host ang Pilipinas ng isang cage event na ganito kalaki.

Palakpakan natin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ni Manny  V. Pangilinan sa kanilang pagpupursigi na madala ang event na ito dito sa atin.

Isa itong malaking trabaho, sapagkat lahat ng aspeto ay dapat maasikaso ng SBP, magmula sa pagdating hanggang sa pag-alis ng lahat ng delegado ng 15 foreign teams. Tirahan at seguridad ng mga partisipante, pagpapatakbo ng torneo pati na ang magiging daloy ng trapiko at kung anu-ano pa.

Pero dahil si MVP ay si MVP, sisiguraduhin niyang magiging maayos ang lahat. Kung titingnan lang natin ang mga negosyo ni MVP, kung paano niya patakbuhin ito, alam natin na magiging maa-yos ang hosting.

At gagawin ang lahat ng preparasyong ito sa loob lang ng anim na buwan.

Ang tanong: Kaya ba natin makasungkit ng at least third place upang makabalik na ang Pilipinas sa World Basketball Championships?

Kailangang makabuo tayo ng malakas na koponan.

Kung materyales din lang ang pag-uusapan, mayroon naman ang Pilipinas.

Kung makukuha ni coach Chot Reyes ang lahat ng gusto niyang players sa ilang PBA teams, mukhang malaki ang pag-asa natin.

Nangako naman na ang Philippine Basketball Association (PBA) na magpapahiram sila ng mga players na hihilingin ni National coach Chot Reyes.

Advantage tayo sa homecourt kaya kailangang pag-igihang mabuti ng mga mapipiling players ng koponan para makatuntong tayo sa World Championships.

Ang hosting ng Pinas ng event na ito ang pinakamaganda nating tsansa para makarating sa World Championships.

Samantalahin natin… sama-sama nating suportahan ang SBP sa proyektong ito.

vuukle comment

AGSTO

ASIA CHAMPIONSHIPS

CHOT REYES

ISA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PILIPINAS

SAMAHANG BASKETBOL

WORLD BASKETBALL CHAMPIONSHIPS

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with