Ang kailangan para magkampeon sa mga torneo... Khajirian: Maigting na preparasyon ng Phl team
MANILA, Philippines - Ang pagkopo sa isang kampeonato ay base na rin sa matinding pagsasanay at paghahanda at hindi sa suwerte lamang.
Ito ang paniniwala ni FIBA Asia secretary geÂneÂral Hagop Khajirian.
Sinabi kahapon ni KhaÂjirian na walang tsanÂsa ang bansa na maÂibalik ang glorya nito maÂliban na lamang kung pagÂlaÂlaruin ang pinakaÂmaÂgaÂgaling nitong basÂketÂball plaÂyers.
“Championship will come as a result of hard work not by luck. One can be lucky to make one shot, one layup, but not winning the championship,†ani Khajirian sa isang press conference matapos ang kanyang inspeksyon sa mga playing venues at iba pang pasilidad na gaÂgamitin para sa 2013 FIBA Asia Championships na pamamahalaan ng banÂsa sa Agosto 1-11.
Sinabi pa ni Khajirian na pang-lima ang Pilipinas sa ilalim ng China, KoÂrea, Iran at Lebanon sa mga koponang may tsansang mapagharian ang 27th edition ng biennial chamÂpionship.
“You’ll notice I rank the Philippines at No. 5 beÂcause you’re not senÂding your full squad, not your best players. I hope this will be different in AuÂgust,†ani Khajirian.
Alam ni Khajirian ang nangyaring kaguluhan sa local basketball association na nagresulta sa pagÂkaÂkasuspinde sa bansa sa mga FIBA competitions.
Alam din niya ang probÂlema sa iskedyul ng loÂcal pro league sa mga FIÂBA tourneys.
Nakatakdang makÂiÂpagÂpulong ngayong araw si National coach Chot ReÂyes kay PBA Commissioner Chito Salud kaugnay sa pagbuo ng national team para sa naturang torÂneo.
Inatasan ng PBA Board ang mga PBA teams na magpahiram ng isang player para sa NaÂtioÂnal team.
Subalit gusto ng pro league na kaagad pangalanan ni Reyes ang kanyang Final 12 kasama ang dalawang reserves.
“We’re the defending champion on our own backyard so we’re defenÂding our hosting chamÂpionÂÂship so to speak. It’s not coach Chot’s call but the country’s call,†sabi ni SBP executive director SonÂny Barrios.
- Latest