Wade, James ipinanalo ang Heat sa OT
MIAMI -- Tumipa si Dwyane Wade ng 35 points, habang nagposte si LeBron James ng kanyang pang-34 na career triple-double para pagbidahan ang Miami Heat sa 123-116 overtime win kontra sa Toronto Raptors.
Bumangon ang Heat mula sa isang 15-point deficit upang talunin ang Raptors.
Tumapos si James na may 31 points, 11 assists at 10 rebounds para sa Miami, samantalang may 7 assists naman si Wade kasama ang isa na nagbigay-daan sa isang three-point shot ni Ray Allen sa huling 59.3 segundo sa overtime.
Umiskor si Allen ng 18 markers kasunod ang 14 ni Mario Chalmers at 12 ni Chris Bosh na nagtala rin ng 12 rebounds para sa Heat.
Isinara ng Miami ang overtime period mula sa isang13-2 ratsada na bumura sa kanilang pagkatalo ng 4 points kontra sa Toronto, apat na gabi na ang nakararaan.
Pinangunahan ni Alan Anderson ang Raptors sa bisa ng kanyang 20 points kasunod ang 17 ni Jose Calderon, 16 ni Terrence Ross at 15 ni Amir Johnson.
Tinalo ng Miami ang Toronto sa rebounding, 53-28, kung saan may 10 boards si Udonis Haslem para sa Heat.
Humugot sina Wade at Allen ng tig-6 points sa overtime para sa Miami, iniwanan ng Toronto sa 105-103 sa huling 1:51 minuto ng fourth quarter mula sa tres ni Calderon.
Naglista ang Raptors ng isang 10-point lead sa third quarter bago nag-init ang Heat mula sa kanilang iniskor na 30 points sa huling 7:55 ng nasabing yugto.
- Latest
- Trending