Marion pinagmulta ng $25,000
NEW YORK – Pinagmulta si Dallas Mavericks forward Shawn Marion ng $25,000 ng NBA nang tahasan niyang binatikos sa publiko ang officiating ng liga.
Matapos ang 117-114 overtime loss ng Mavericks sa Oklahoma City noong Biyernes, sinabi niyang, “it’s hard to beat anybody when you’re playing five on eight.’’
Si Thunder All-Star Kevin Durant ay nabigyan ng 21 free-throws para sa kanyang career-high na 52-points nang gabing iyon.
Ang penalty ay inihayag nitong Sabado ni NBA executive vice president of operations Stu Jackson.
- Latest