UST pinayukod ang UP sa UAAP women’s volley
MANILA, Philippines - Umakyat ang UST sa ikatlong puwesto sa UAAP women’s volleyÂball nang talunin ang UP, 26-24, 25-9, 19-25, 25-15, kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Namayagpag ang TigÂresses sa spike, 50-36, at sa serve, 12-3, upang kaÂtampukan ang dominanteng laro na tumagal ng isang oras at 14 minuto.
Si Maika Ortiz ay mayÂÂroong 5 service aces paÂra sa kanyang 16 puntos, habang may 13 kills patungo sa 15 puntos si JuÂdy Ann Caballejo at nag-ambag ng 12 puntos, kaÂsama ang 10 kills, si Ma. Carmela Tunay.
Naghatid pa ng limang service aces si Ma. Loren Lantin bukod sa 21 excellent set at ang UST ay umangat sa 5-3 karta.
May limang blocks patungo sa 11 puntos si Katherine Bersola, habang si Liezchel Tiu ay may 10 puntos, lakip ang nine kills, pero kinapos siÂla ng suporta at ang Lady Maroons ay bumaba sa 1-7 karta.
Samantala, lumawig sa ika-pitong sunod ang pagÂpapanalo ng Adamson sa softball nang kalusin ang Ateneo,12-5, na ginaÂwa sa Rizal Memorial BallÂpark kahapon.
Kailangan na lamang ng nagdedepensang Lady Falcons na maipanalo ang huling limang laÂro para umabante sa FiÂnals at magkaroon ng ‘thrice-to-beat’ advantage.
Tinalo ng host NatioÂnal University ang UE, 3-0, habang ang UST ay naÂnaig sa La Salle, 6-0, sa huling laro.
- Latest