^

PM Sports

Tag-ulan sa pagdaraos ng FIBA-Asia

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na inaalala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa gagawing hosting ng FIBA-Asia Men’s Championships, ito ay ang magi-ging panahon habang idinadaos ang torneo mula Agosto 1 hanggang 11.

“Alam naman natin na sa buwan ng Agosto ay binabagyo tayo. Kung mayroon kayong alam kung sino ang dapat kausapin ay sabihin ninyo. Kahit lumuhod ako huwag lamang tayo bagyuhin, gagawin ko,” pagbibiro ni SBP executive director Sonny Barrios na nakasama ni Moying Martelino na dumalo sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate.

Bagama’t hindi masyadong problema ang paghahanda sa hosting dahil sa ‘all-out’ na suporta ni SBP president at telecommunication mogul Manny V. Pangilinan at ng pamahalaan, ang malaking suliranin pa ay ang pagbuo ng pinakamalakas na koponan na ipantatapat sa mga bigating koponan mula sa Asya.

May 16 bansa ang sasali at ang mangungunang tatlong bansa ang siyang kakatawan sa rehiyon sa gagawing FIBA World Cup sa Italy sa 2014.

“Noong 1973 huling ginawa sa bansa ang FIBA-Asia Men’s Championships and during that time, we have the best of the best players and team ever assembled,” pagbabalik-tanaw ni Martelino, ang da-ting secretary-general ng FIBA-Asia. “It is important to have the best team at importante rin ang support ng mga Pilipino. Having one best team and have all the spectators available is the formula for success to qualify to the World Cup,” dagdag  ni Martelino.

Sa ngayon ay nagpasabi na ang pamunuan ng PBA na sila ay 100 percent na tutulong sa pagbuo ng pinakamalakas na koponan pero magkakangipin lamang ang statement na ito matapos ang pagpupulong ng liga, SBP at ni National coach Chot Reyes para sa gusto niyang masama sa koponan.

“Ilang beses na tayong nalagay sa fourth place sa FIBA-Asia tournaments. Ngayon na nasa bansa gagawin ang tournament, malaking tulong ang suporta ng mga manonood dahil sila ang magpapalabas ng nakatagong adrenalin ng mga players. Kailangan din ang mahabang preparasyon,pero kung makukuha natin lahat ng nais natin, mas maganda ang tsansa natin ngayon kumpara sa mga nagdaan,” dagdag ni Barrios.

Si Reyes sa ngayon ay nasa United Arab Emirates at pinangungunahan ang Gilas II na kumakampanya sa Dubai Cup at sa pagbalik niya ng bansa ay inaasahang uupo sa pagpupulong para gumulong na ang preparasyon ng Pambansang koponan.

vuukle comment

AGOSTO

ASIA MEN

CHOT REYES

DUBAI CUP

MANNY V

MARTELINO

MOYING MARTELINO

SAMAHANG BASKETBOL

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with