^

PM Sports

Fierce and Fiery kuminang sa mas mababang grupo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuminang ang Fierce And Fiery sa nilakuhang mas mababang grupo habang ang mga dehadong kabayo ay nagpasiklab sa huling bahagi sa pagtatapos ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Linggo.

Sa pagdadala ni Jonathan Hernandez, lumabas ang tikas ng Fierce And Fiery upang makuha ang panalo sa unang takbo sa buwan ng Enero ng taong 2013.

Walang naipanalo ang kabayo noong Disyembre sa pagdiskarte ng  regular na  hineteng si Dan Camañero pero nagbago ang Fierce and Fiery sa pagdadala ni Hernandez na iniwan ang Len Len na dati niyang nirerendahan.

Ang Joshua’s Laughter na napaboran din mtatapos ang dalawang dikit na panalo kasama ang tagumpay noong Enero 2, ang pumangalawa sa Fierce And Fie-ry na bumaba mula sa class division 8-7 sa pagtakbo sa class division 7.

Outstanding ang nanalong kabayo para makapagpamahagi ng P5.00 sa win habang ang 5-1 kumbinasyon sa forecast ay nagkahalaga ng P26.50 dibidendo.

Sa sumunod na race 9 nagsimulang magpasikat ang mga 'di napaborang mananakbo nang kunin ng Yes Yes Yes na sakay ng apprentice jockey na si WC Utalla ang panalo sa 4YO Handicap Race (8) na inilagay sa 1,300m distansya.

Nasundan pa ito ng tagumpay ng Orthodox na dala ni AR Villegas habang ang In Fairness ni RE Baylon ang tumapos sa tatlong dehadong nanalo sa race 13.

Longshot of the day ang Orthodox na nakuha ang panalo sa ikatlong takbo sa buwang ito para makapagpasok pa ng P48.00.

Pumangalawa ang Wen Wen  at ang 2-5 forecast ay naghatid ng P521.00 dibidendo sa forecast.

Lilipat naman ang isang  linggong karera sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at magsisimula ang pista bukas ng gabi.

 

ANG JOSHUA

CAVITE

DAN CAMA

ENERO

FIERCE AND FIE

FIERCE AND FIERY

HANDICAP RACE

IN FAIRNESS

JONATHAN HERNANDEZ

LEN LEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with