^

PM Sports

Taliwas sa pahayag ng mga doktor: Pacquiao walang diperensya

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikinaila ni Manny Pacquiao na mayroon siyang sin­tomas ng Parkinson’s disease taliwas sa naunang pa­­ha­yag ni Dr. Rustico Jimenez, ang pre­sidente ng Pri­vate Hospitals Association of the Phi­lippines.

Kasalukuyan ngayong nagbabakasyon ang pamil­ya ni Pacquiao sa Israel at nakatakdang bumalik sa Pi­lipinas sa Enero 14.

“There is nothing to be worry about. I am 100% heal­thy and right now I’m enjoying this memorable vacation with my family in this beautiful country of Israel,” sabi ni Pacquiao sa pagtawag sa kanya ni Juan Carlos Torres, ang Chief Executive Officer ng Zanfer Promotions na siyang promoter ni Juan Manuel Marquez.

“I will return to the Philippines on January 14 and in early February I want to get to the gym because I want to have a fight in April and in September I want the fifth fight with Marquez,” dagdag pa ng Sarangani Congressman.

Kamakailan ay sinabi ni Jimenez, kasama si foren­sic pathologist Dr. Raquel Fortun, na may nakikita silang sintomas ng Parkinson’s disease sa 34-anyos na si Pacquiao.

Ito ay matapos na ring mapatulog ng 39-anyos na si Marquez ang 34-anyos na si Pacquiao sa huling segundo sa sixth round sa kanilang pang-apat na paghaha­rap noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Ne­vada.

 â€œThe statement by the doctors show a total lack of ethics and it was irresponsible (for them to say this). This was just personal opinion and there were no me­di­cal tests,” dagdag pa ni Pacquiao.

Bago matalo kay Marquez, nabigo rin si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hun­yo 9.

Samantala, kumpiyansa ang Top Rank Promotions ni Bob Arum na mapaplantsa nila ang pang-limang sal­pukan nina Pacquiao at Marquez sa Independence Day ng Mexico sa Setyembre.

“He’s indicated he will fight again. Bob (Arum) has indicated that it would be September,” wika ni Fred Sternburg, ang spokesman ng Top Rank. “Bet­ween the suspension and the election and campaign in Philippines, we think we can do it.”

Sinabi ni Sternburg na dadalhin ni Arum si Pacquiao sa Lou Ruvo Center sa Las Vegas Cleveland Cli­nic para tiyakin na nasa tamang kondisyon ito para sa kanyang susunod na laban.

Ang naturang clinic ay may espesyalista sa brain health, kasama dito ang Alzheimer’s, Parkinson’s at Lou Gehrig’s diseases.

“They will examine him as a precaution,” sabi ni Sternburg.

Ayon pa kay Sternburg na malaki ang tsansang ma­itakda ng Top Rank ang Pacquiao-Marquez Part 5 sa Set­yembre.

“I think they can do it. Bob (Arum) has stated it over and over. The fight did so well financially, it is a no-brainer,” wika ni Sternburg.

Hindi rin tutol ang manager ni Marquez na si Fernando Beltran sa naturang laban.

“Logically, we will find what’s most lucrative for him, in order to be an important fight,” ani Beltran sa panayam ng ESPNDeportes.com. “Juan Manuel Marquez and myself are gentlemen and we know that Pacquiao gave us an opportunity, and he didn’t have to, and most probably we will give it to him.”

 

 

BOB ARUM

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

DR. RAQUEL FORTUN

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

SHY

STERNBURG

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with