^

PM Sports

Texters lalabanan ang Painters sa finals

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na pinayagan ng Tropang Texters na ma­kapuwersa ng Game Seven ang Aces.

Binigo ng nagdedepensang Talk ‘N Text ang Alaska, 83-78, sa Game Six ng kanilang semifinals series para sikwatin ang ikalawang finals berth pa­ra sa 2012-2013 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 Winakasan ng Tropang Texters ang kanilang best-of-seven semifinals show­down ng Aces sa 4-2 para makaharap sa best-of-seven championship se­ries ang Rain or Shine Elasto Painters.

Magsisimula ang titular duel ng Talk ‘N Text at Rain or Shine sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa 64-62 abante sa third period, kinuha ng Talk ‘N Text ang 76-69 kalamangan sa 6:22 sa fourth quarter buhat sa isang three-point shot ni Jared Dillinger.

Huling nakadikit ang Alaska sa 75-80 galing sa isang four-point play ni JVee Casio buhat sa foul ni Jimmy Alapag sa 3:47 nito.

Samantala, naniniwa­la si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na may pag-asa silang manalo ng pangalawang sunod na kam­peonato.

Tinapos ng Rain or Shine ang San Mig Coffee, 4-2, para ma­kapasok sa kanilang unang PBA All-Filipino Fi­nals.

“This is a much younger team. We’re co­ming off a championship and our players are all heal­thy. Tingin ko malaki ang tsansa,” pahayag ni Guiao.

Huling nakapasok si Guiao sa isang All-Filipino Fi­nals noong 2006 nang ma­talo ang Red Bull sa Pure­foods.

Natalo din ang kanyang Sarsi kontra sa Pure­foods din 3-2 sa best-of-five series ng 1991 All-Filipino Confe­rence.

Talk ‘N Text 83 - Castro 16, Alapag 15, Dillinger 11, Williams 11, De Ocampo 11, Carey 6, Fonacier 5, Peek 5, Reyes 3, Raymundo 0, Aban 0.

Alaska 78 - Abueva 23, Espinas 13, Thoss 11, Casio 10, Hontiveros 7, Baracael 6, Jazul 5, Baguio 3, Dela Cruz 0.

Quarterscores: 25-18; 42-41; 64-62; 83-78.

 

ALL-FILIPINO CONFE

ALL-FILIPINO FI

CASIO

CUNETA ASTRODOME

DE OCAMPO

DELA CRUZ

N TEXT

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with