^

PM Sports

Phoenix lalapit sa quarterfinal spot

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mamumuro sa playoffs ang Phoenix tampok ang bagong import na si Cellus Earlington kontra sa Meralco sa umiinit na PBA Season 50 Governors’ Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nakatakda ang sagupaan ng Group A teams sa alas-7:30 ng gabi para sa main game ng double header na mimitsahan ng non-bearing game sa Group B sa pagitan ng Converge (6-4) at Macau (2-9) sa alas-5:15 ng hapon.

Balikatan ang Phoenix (4-3) at Meralco (4-5) sa Group B kung saan Magnolia palang ang siguradong pasok sa crossover quarterfinals hawak ang 6-3 kartada.

Tatlong tiket pa ang pag-aagawan ng natitirang 5 koponan at kung makakalusot ngayon ay makakalapit ang Fuel Masters sa naturang misyon.

Bukod sa Phoenix at Meralco, nasa karera rin ang Ginebra at Blackwater na may parehong 3-5 marka habang namumuro rin ang Rain or Shine sa 4-3 katabla ang Fuel Masters sa segunda puwesto.

Upang mapalakas ng tsansa sa dikdikang laba­nan, aasa si coach Charles Tiu sa 6-foot-4 ace na si Earlington mula sa St. John at University of San Diego sa US NCAA.

Dual athlete si Earlington na manlalaro rin na hitik din sa karanasan sa Amerika, Italy at Israel.

Pinalitan niya si BJ Johnson na kumamada ng 30.7 puntos, 9.6 rebounds at 4.0 assists upang matrangkuhan sa 4-3 kartada ang Fuel Masters subalit hanggang Agosto lang ang kontrata dahil may commitment sa Russia.

Wagi ang Phoenix sa unang sagupaan nila, 98-97, subalit hindi All-Pinoy ang Meralco noon na may masasandalan din bagong import ngayon na si Jordon Varnado kapalit ni Antonio Hester.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with