^

PM Sports

Aguinaldo ibinigay ng Will Coskee

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinasaya kaagad ng dehadong Will Coskee ang ba­yang-karerista nang bigyan ng magandang Aguinaldo ang mga nanalig sa kanyang husay.

Sa unang karera sa taong 2013 nakapagpasikat ang kabayong sakay ni JB Cordova upang lumabas bi­lang pinakadehadong kabayo na nakapanilat agad.

Ang hindi inaasahang panalo ay tumabon sa di pag­timbang ng kabayo sa huling dalawang takbo sa bu­wan ng Disyembre.

Ito ang ikalawang sunod na takbo ng Will Cos­kee sa pagdadala ni Cordova at tinalo ng tambalan ang Musashi na diniskartehan ni apprentice rider RE Baylon.

Ang panalo ay nagpasok ng P83.00 sa win, habang ang dehadong kombinasyon na 2-9 ay nagpamahagi ng nakakatuwang P4,955.50 bawat P5 taya.

Isa ring humataw ay ang Chase Charlie na nanalo sa race four na isang Philracom-PRCI sponsored race.

Tumakbong kasama ang coupled entry na Typhoon Doding, ang win ay naghatid ng P61.50, ha­bang ang forecast na 3-6 ay  may P172.00 dibi­dendo.

Lumabas ang El­gin And Chairman bi­lang pinakapatok na ka­bayong nanalo nang ku­minang ang kabayong hi­nawakan ni Mark Alvarez sa race 3.

Unang pagdiskarte ito ni Alvarez sa kabayo na da­ting sinasakyan ni FA Tuason.

Lumabas pa ang tikas ng Elgin And Chairman para daigin ang hamon ng Banay Banay sa 1,200m distansya.

Nagpasok ang liyamadong Elgin And Chairman  ng P8.50, habang ang 3-6 forecast ay nagbigay ng P51.50 dibidendo.

 

 

vuukle comment

BANAY BANAY

CHASE CHARLIE

CORDOVA

ELGIN AND CHAIRMAN

LUMABAS

MARK ALVAREZ

SHY

TYPHOON DODING

WILL COS

WILL COSKEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with