^

PM Sports

WBC humingi ng pasensiya kay Cuello

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni WBC executive director Mauricio Sulaiman na naiintindihan niya ang pagkayamot ni No. 1 minimumweight contender Denver Cuello sa matagal nang paghihintay na magkaroon ng title shot kaya humingi ito ng pasensiya sa kanyang manager na si Aljoe Jaro.

Noong Agosto, siniguro ni Sulaiman (anak ng WBC president na si Don Jose) kay Cuello na siya ang susunod na mandatory challenger at haharap kung sino ang mananalo sa Nov. 24 fight para sa bakanteng 105-pound title sa pagitan nina  Chinese Xiong Zhao Zhong at Mexican Javier Martinez sa Chengdu, China.

Binigyan si Cuello ng $25,000 bilang ‘step aside fee’ para makalaban ni Xiong si Martinez.  Si Xiong ang nanalo via unanimous decision.

Bagama’t may pangako na kay Cuello ang WBC, nagdesisyon si Xiong na idedepensa ang kanyang titulo sa mapipiling challenger bago labanan si Cuello.  Nagalit si Jaro at nagbanta pang idedemanda ang WBC.

“All I want is for Sulaiman to explain why Denver is being bypassed again as a mandatory challenger,” sabi ni Jaro.  “What is the reason?  Sulaiman has to make it clear because he is going back on his word.  He made a promise that Denver would be the mandatory challenger to fight the winner of the Xiong-Martinez bout for the vacant title.”

Sinabi ni Jaro na hindi niya tinanggap ang alok na lumaban si Cuello para sa IBF crown upang ipakita ang kanyang loyalty sa WBC.  “I actually asked permission from Sulaiman if Denver could fight for the IBF title while waiting for the result of the Xiong-Martinez bout but I was told to defer. It would just be a matter of two or three months so Sulaiman advised me to be patient.  So I refused the IBF offer.”

ALJOE JARO

ALL I

CHINESE XIONG ZHAO ZHONG

CUELLO

DENVER CUELLO

DON JOSE

JARO

MAURICIO SULAIMAN

SULAIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with