^

PM Sports

Texters nakauna

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang three-pointer ni Ryan Reyes sa may kaliwang kanto mula sa isang drive-and-dish na pasa ni Jayson Castro ang nagbigay sa two-time defending champion Talk ‘N Text ng  66-65  panalo sa Alaska sa simula ng kanilang best-of-seven semifinals sa 2012-13 PBA Philippine Cup playoffs kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Naisalba ni Reyes ang Tropang Texters na matapos lumamang ng umabot sa walong puntos sa second quarter ay nahabol at nilamangan ng Aces sa buong huling yugto hanggang sa game-winning three-pointer na iyon ni Reyes may 14.3 segundo na lamang ang natitira sa laro.

May sapat na oras pa para sa isang huling opensiba ang Alaska pero nagmintis sa isang top-of-the-key jumper si Tony dela Cruz.

Dalawang TNT players lang ang umiskor ng double figures na sina Castro at Ranidel de Ocampo na nagtala ng 17 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod, sa lowest scoring game ng conference.

Ang 14 puntos at 14 rebounds ni Sonny Thoss ang nagbida para sa Alaska na tulad ng TNT ay iniskor ang kanilang pinakamababang output sa conference.

vuukle comment

CRUZ

DALAWANG

JAYSON CASTRO

N TEXT

PHILIPPINE CUP

REYES

RYAN REYES

SMART ARANETA COLISEUM

SONNY THOSS

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with