^

PM Sports

Ibaka nagbida sa Oklahoma

Pang-masa

OKLAHOMA City, Philippines  -- Dinuplika ni Serge Ibaka ang kanyang career best na 25 points at humakot ng season-high na 17 rebounds para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 107-93 panalo kontra sa San Antonio.

Ito ang pang-11 sunod na arangkada ng Thunder at ito rin ang unang pagkikita ng Oklahoma City at San Antonio matapos pagbantaan ni Stephen Jackson ng  Spurs si Ibaka sa Twitter na nagresulta sa kanyang $25,000 multa mula sa NBA.

“I don’t want to talk about it,’’ sabi ni Ibaka. “A great win for us. We need that. It’s about a team win.’’

Nagbalik naman sa pag-lalaro si Jackson matapos magpahinga ng 14 laro para sa San Antonio dahil sa nabali niyang daliri.

Naidikit ni James Anderson ang Spurs sa 84-93 matapos maagaw ang pasa ni Ibaka para sa kanyang two-handed dunk sa 5:29 sa fourth quarter.

Matapos ang three-point shot ni Kevin Martin, nagsalpak naman sina Ibaka at Kevin Durant ng kani-kanilang two-handed slams sa huling minuto ng laro para selyuhan ang panalo ng Oklahoma City.

Umiskor si Kevin Durant ng 19 points para sa Thunder sa ilalim ng 22 ni Russell Westbrook kasunod ang 20 ni Martin.

 

IBAKA

JAMES ANDERSON

KEVIN DURANT

KEVIN MARTIN

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

RUSSELL WESTBROOK

SAN ANTONIO

STEPHEN JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with