‘Hindi nakatsamba si Marquez kay Pacquiao’ - Beristain
HOUSTON – Sinabi ni trainer Nacho Beristain na hindi ‘lucky punch’ ang nagpa-knockout kay Manny Pacquiao na dahilan ng pagbagsak ng Pinoy Boxing hero sa pound-for-pound ranking list ng Ring Magazine.
Sinabi ng 73-gulang na trainer ni Juan Manuel Marquez na hindi sila nanalo noong Sabado sa MGM Grand dahil sa suwerte kundi dahil ito ay bunga ng kanilang pagsusumikap at pagpupursigi.
“Some have said Marquez victory was the result of a lucky punch. Lucky? It was a punch that we practiced many times in the gym, and that this time it worked,” sabi ni Beristain sa boxingscene.com. “There is a small group (of people) who not like us, who want to downgrade Juan Manuel’s achievements. We closed a lot of mouths with this victory.”
Pinatama ni Marquez ang ‘lucky punch’ may isang segundo na lamang ang natitira sa ikaanim na round. Nangyari ito na pareho nang bumagsak ang dalawang boxers at lamang si Pacquiao sa scorecards.
Ngunit tinamaan niya si Pacquiao sa panga at inilarawan ito ni Marquez na ‘the perfect punch’ na nagpabagsak sa Filipino superstar sa unang pagkakataon matapos ang 13 taon.
Hindi lang na-knockout si Pacquiao kundi na-shut out talaga siya.
Lagpas ng isang minuto bago nakatayo si Pacquiao. Nang sumunod na araw, sinabi niyang tinamaan siya ng suntok na inaasahan niyang gagamitin sa kanya ni Marquez.
- Latest