^

PM Sports

NLEX babangon mula sa kabiguan

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pilit na lalayo ang Blackwater Sports sa mga ko­ponang nag-aasinta sa ma­halagang ikalawang puwesto sa pag-asam ng pa­nalo laban sa NLEX sa PBA D-League Aspi­rants’ Cup ngayon sa Yña­­res Sports Arena sa Pa­sig City.

Sa ganap na alas-2 ng ha­pon magsisimula ang laban at ikalimang dikit na panalo ang pakay ng tro­pa ni coach Leo Isaac para patatagin ang kapit sa No. 2 spot na siyang ma­kakasama ng ma­ngu­ngunang koponan sa se­mi­finals matapos ang eli­mination round.

May kumpiyansa ang Elite sa Road Warriors matapos ipakita ng Café France na puwedeng talunin ang 3-time defen­ding champion na nangyari noong Martes, 66-52.

“Naipakita nila na hin­di imposibleng matalo si­la. Kailangan lamang na patuloy ang magandang teamwork para mas gu­manda ang tsansang ma­nalo,” wika ni Isaac.

Tiyak naman na mas ma­bangis ang tropa ni coach Boyet Fernandez pa­ra pigilan ang posibleng paglasap ng kauna-unahang two-game losing skid sa liga.

Pinaigting na depensa ang nais na makita ni Fernandez, ngunit makakatulong kung manunumbalik din ang sigla sa opensa na hindi nakita laban sa Ba­kers matapos ang 28.2% shooting (22-of-78).

Bago ito ay magpapang-abot muna ang mga Bo­racay Rum at Informatics sa alas-12 ng tang­ha­li.

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

D-LEAGUE ASPI

FERNANDEZ

KAILANGAN

LEO ISAAC

NAIPAKITA

ROAD WARRIORS

SHY

SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with