Cafe France babangga sa NLEX
MANILA, Philippines - Lalapit pa ang Café France sa pangarap na makasaysayang kampan-ya sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa pagbangga ngayon laban sa walang talong NLEX sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.
May 3-2 karta ang Bakers at kung masisilat nila ang Road Warriors sa kanilang ika-12 ng tanghaling tagisan ay aangat sila mula sa kina-lulugarang ikaanim na puwesto tungo sa pagsalo sa ikaapat na puwesto na ngayon ay solong hawak ng Cagayan Valley (4-2).
Ang tampok na laro dakong alas-2 ay sa pagitan ng Big Chill at Fruitas Shakers at ang Super Chargers ay magsisikap na ibaon sa limot ang tinamong 67-91 pagkadurog sa NLEX noong Nobyembre 29.
Tiyak na handa ang mga bataan ni coach Ro-bert Sison na ilabas ang tunay na laro laban sa Sha-kers na maaaring maglaro ng wala ang pambatong sentro na si Olaide Adeogun dahil sa injury.
Gagamitin naman ni coach Nash Racela na dagdag hamon sa kanyang bataan ang pagiging ala-nganin ni Adeogun para kargahan ang ipakikitang laro at mapag-ibayo ang di kagandahang 2-3 karta.
Galing ang Bakers mula sa 86-78 tagumpay laban sa Informatics noong Nobyembre 27 pero alam ni coach Edgar Macaraya na hindi doble kungdi triple ang dapat na ipakita ng kanyang mga alipores para manalo sa three-time defending champion.
May 7-0 baraha ang NLEX at 24-0 mula pa noong Enero 30.
“Pangarap namin na makalaro sa quarterfinals pero nakadepende ito sa ipakikita namin laban sa NLEX at sa Blackwater (Disyembre 20). Susubukan namin. Malay natin, ang paghihirap namin na maabot ang pangarap ay maaring suklian ng miracle,” wika ni Macaraya.
Humugot ng solidong numero mula sa inaasa-hang sina Mike Parala, Jens Knuttel at Marion Magat ang isa sa dapat na mangyari bukod pa sa pagpigil sa malalaking mama ng NLEX sa pangunguna ng twin-towers na sina Greg Slaughter at Ian Sangalang.
- Latest