^

PM Sports

May comment si Mayweather

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hangad ni Floyd Mayweather Jr. ang mabilis na pagbangon ni Manny Pacquiao matapos lumasap ng knockout na pagkatalo sa kamay ni Mexican boxer Juan Manuel Marquez noong Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

“I wish Pacquiao nothing but the best. I wish that he can bounce back and he can recoup from this,” wika ni Maywea-ther sa panayam ng Fighthype.

Kakaibang pahayag ang namutawi kay Mayweather na ilang taon na minamaliit ang kakayahan ni Pacquiao. Nagkademandahan pa nga ang dalawang hinirang bilang mga pound-for-pound king sa boxing matapos akusahan niya ang pambansang kamao na gumagamit ng mga droga kaya’t naipapanalo ang mga laban kahit sa mas mabigat na timbang.

Ngunit umiral ang pagi-ging isang boksingero ni Mayweather matapos ang paglasap ng pinakamasamang pagkatalo ni Pacman na nabuwal una ang mukha sa lona matapos tamaan ng solidong counter-right isang segundo bago natapos ang sixth round.

“I’m not here to talk bad about Pacquiao. My prayers go out to the Pacquiao family. I know he loves boxing,” dagdag ni Mayweather.

vuukle comment

FIGHTHYPE

FLOYD MAYWEATHER JR.

GRAND ARENA

HANGAD

JUAN MANUEL MARQUEZ

KAKAIBANG

LAS VEGAS

MAYWEATHER

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with