^

PM Sports

Kaya patuloy na sumasali sa mga Milo Marathon Buenavista inspirasyon ng kanyang anak

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Para sa 34-anyos na si Eduardo ‘Ver­tek’ Buenavista, ang hinahabol ni­ya sa bawat paglahok sa mga karera ay ang pagbibigay ng inspirasyon sa kan­yang anak.

“Talagang kahit tumatanda na ako, pa­tuloy pa rin ako sa pagsali sa mga ma­­rathon kasi ako ang ginagawang ins­­pirasyon ng anak ko eh,” sabi ni Bue­­navista sa kanyang 11-anyos na anak na si Edward Josh.

“Siya po talaga ang idol ko,” sambit ng maputi at mahaba ang mga biyas na elementary student.

Nasa isip ang pagbubunyi ng kanyang anak, pinagharian ni Buenavista ang local 42-kilometer run ng 36th Milo Marathon National Finals kaha­pon sa SM MOA Grounds sa Pasay Ci­ty.

Naglista ang Olympian ng oras na 2:29.45 para iwanan sina Eric Pani­que (2:32.45) at Jesson Agravante (2:34.58).

Ang pag-aaral naman ng kanyang tatlong mga nakababatang kapatid ang naging ‘motivation’ ni Mary Grace Delos Santos para maidepensa ang kan­yang titulo sa women’s Open division.

Nagtala ang 25-anyos na si Delos San­tos ng oras na 2:49.29 para talunin si Jho-Ann Banayag (2:55.56) at Everline Atancha (3:03.39) ng Kenya at sik­wa­tin ang premyong P300,000.

“Siguro hanggang kaya ko pang tumakbo, tatakbo pa rin ako para maipagpatuloy ‘yung pag-aaral ng tatlo ko pang mga kapatid,” ani Delos Santos sa kanyang mga kapatid na sina Majean, Myla Angel at Marla Jane, mga high school students sa Zamboanga City.

Ayon kay Delos Santos, isang commerce graduate ng Universidad de Zam­boanga, itatabi muna niya sa bangko ang kanyang premyo para lumago.

“Ise-save ko muna sa bangko para lu­maki ang tubo,” sabi ni Delos Santos.

Si Mary Joy Tabal (3:05.12) ang nag­wagi sa women’s local event kasunod sina Christabel Martes (3:10.46) at Jennilyn Nobleza (3:22.03).

Naidepensa naman ni James Tallam ng Kenya ang kanyang titulo sa Open class nang magposte ng tiyempong 2:26.34 kasunod ang mga kababayang si­na Josphat Too (2:28.52) at Alex Melly (2:29.06).

Nagwagi naman sa 21K local sina Im­muel Camino (1:15.25) at Elijeran Jo­celyn (1:43.03), habang nanguna sa 21K open sina Kenyans David Kipsang (1:12.23) at Jackline Nzivo (1:26.48). 

 

ALEX MELLY

BUENAVISTA

CHRISTABEL MARTES

DELOS SAN

DELOS SANTOS

EDWARD JOSH

ELIJERAN JO

ERIC PANI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with