Pacquiao-Marquez PART 4: Giyera ang magaganap
LAS VEGAS – May nagtanong kay Manny Pacquiao kung maikukunsidera niyang kaibigan si Juan Manuel Marquez.
“We are friends outside the ring. But inside the ring we have a job to do,” sabi ng Filipino world eight-division champion na mahirap paniwalaan lalo pa at maraming negatibong komento sa kanya si Marquez.
“All my opponents, I always treat them like a friend or brother. I obey the commandments of God – to love your opponents as you love yourself. I don’t’ have enemies,” ani Pacquiao.
Subalit nang malaman ang mga komento sa kanya ni Marquez, nag-iba ng tono si Pacquiao.
“That’s his problem,” ani Pacquiao.
Tiniyak naman ni Marquez na magkakaroon ng giyera sa loob ng boxing ring sa kanilang ikaapat at posibleng huling banggaan ni Pacquiao sa Sabado (Linggo sa Manila) sa MGM Grand.
Sa pinakahuling news conference, binanggit ni Marquez ang salitang ‘war’ ng ilang beses.
“I feel very happy being here again for a fourth fight with Manny Pacquiao,” wika ni Marquez sa Hollywood Theater ng MGM na dinumog ng mga mediamen na kokober ng naturang laban.
“I want to give (everybody) another great fight and most important here is Manny Pacquiao knows me and I know him,” ani Marquez habang nakikinig si Pacquiao sa kanang bahagi.
“This will be another war. It will be another great fight because I prepared hard. I think this fight will be a war again. It’s another war. I want this fight.”
Nakatingin sa iba si Pacquiao nang tapusin na ni Marquez ang kanyang maikling talumpati.
Dala pa rin ng 39-anyos na si Marquez ang galit kay Pacquiao na sinasabing tinalo niya sa kanilang tatlong naunang paghaharap noong 2004, 2008 at 2011.
Sinisi rin ni Marquez ang mga judges sa naturang mga laban. Sinabi ni Marquez na hindi sila magiging magkaibigan matapos ang kanilang upakan. “We are professional boxers and we do our jobs. Inside the ring the respect will always be there but outside…” wika ng Mexican na halos hindi kinausap si Pacquiao.
Sa kanilang faceoff matapos ang news conference, walang nangyaring pagkakamay.
- Latest