NBA news-NBA news Rondo pinatawan ng two-game suspension
WALTHAM, Mass. -- Sa ikatlong pagkakataon ay muling nasuspinde si Boston Celtics point guard Rajon Rondo.
Isang two-game suspension ang ipinataw ng NBA kay Rondo matapos niyang itulak si Kris Humphries ng Brooklyn Nets sa courtside seats sa second period ng kanilang laro kamakalawa.
Hindi makakalaro si Rondo sa laban ng Celtics kontra sa Portland Trail Blazers at sa banggaan nila ng Milwaukee Bucks.
Minultahan din siya ng NBA ng $200,000.
Si Celtics center Kevin Garnett ay pinagbayad ng $25,000 at $35,000 si Nets forward Gerald Wallace dahil sa kanilang pagkakasangkot sa nasabing gulo.
Pinatalsik sa laro si Rondo sa second quarter sa 83-95 kabiguan ng Celtics laban sa Nets.
Itinulak ni Rondo si Humphries matapos ang hard foul nito kay Garnett.
Matapos ang tulakan, pinalabas ng basketball court sina Rondo, Humphries at Wallace.
Rondo spoke with the league on the telephone on Thursday and made his case.
“I told them the truth,:” sabi ni Rondo matapos ang kanilang team practice sa Boston. “I don’t think I did anything dirty. I didn’t try to start a riot. I don’t think it was more than just a pushing war.”
- Latest