^

PM Sports

Azkals mahaharap sa Malaysia sa semis kung mananalo sa Myanmar sa kanilang laro

Pang-masa

BANGKOK — Kung mananaig ang Philippine Azkals laban sa Myanmar kagabi, sasagupain nila ang top team mula sa Group B sa semifinal round ng 2012 AFF Suzuki Cup.

Ang naturang grupo ay kinabibila­ngan ng nagdedepensang Malaysia, In­donesia, Singapore at Laos.

“The victory over Vietnam put us in a good position,” sabi ni German coach Michael Weiss, napatawan ng isang one-game suspension noong Sa­bado nang mambato ng isang player ng Thailand na tumalo sa Azkals, 2-1.

Papasok pa rin ang Azkals sa Final Four kahit na maging draw ang resulta ng kanilang laro ng Myanmar.

Ngunit ayaw ng Azkals na mapasok sa komplikasyon lalo na kung mananalo ang Vietnam sa Thailand.

Hindi pa nananalo ang mga Pinoy sa Myanmar sa kabuuang 11 na pagtatagpo sa­pul noong 1971.

Ngunit nauwi sa draw ang huli nilang tatlong pagkikita.

“The situation within the group is that every team still has a chance to go through,” wika ni Weiss. “So we should put ourselves in a winning mode and go for a win so that everything is safe and we don’t have to depend on the result of the other teams.”

Nagmula ang Azkals sa 1-0 pananaig kontra sa Vietnam.

Nakamit na ng Thailand ang unang tiket sa Final Four.

 

vuukle comment

AZKALS

FINAL FOUR

GROUP B

MICHAEL WEISS

MYANMAR

NAGMULA

NAKAMIT

NGUNIT

PHILIPPINE AZKALS

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with