MANILA, Philippines - Inilantad ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang kanyang maskuladong katawan sa harap ng mga reporters at photographers sa kanyang pinakahuling media workout kahapon sa Wild Card Boxing Gym sa Hollywood, California.
Ayon kay Pacquiao, kahit bukas ay puwede na niyang labanan si Juan Manuel Marquez.
“This is the best condition that I wanted to be. I am ready to fight anytime,” wika ng 33-anyos na si Pacquiao sa kanilang ikaapat na banggaan ng 39-anyos na si Marquez sa Disyembre 9 (Manila time) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Matapos ang kanyang mga panayam ay inikot ni Pacquiao ang boxing ring upang ipakita ang kanyang katawan at pamatay na porma.
Itinampok din ni Marquez ang kanyang mala-king katawan sa ipinalabas niyang mga litrato mula sa kanyang pagsasanay sa Romanza Gym sa Mexico City.
Sinabi ni chief trainer Freddie Roach sa US Today na natitiyak niyang gumagamit ng ipinagbabawal na performance-enhancing drugs (PEDs) si Marquez dahil sa big-lang paglaki ng katawan nito.
“I don’t think that I am slower because my muscles are bigger,” sabi ni Marquez sa isang pa-nayam. “Honestly I am working hard in the gym and getting stronger. They are going to get a surprise on December 8.”
Maghaharap sina Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) at Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa isang non-title, welterweight fight.
“I did say I needed a knockout the last fight but everybody knows that Manny Pacquiao is a strong fighter. It is difficult, but not impossible to knock him out. For this fight I prepare for everything. I trained to win and to win clearly,” wika pa ng Mexican fighter.