‘Linsanity’ wala na sa isipan ni Jeremy
HOUSTON – Ang bigat ng katawagang ‘Linsanity’ ay hindi na iniisip ni Jeremy Lin bilang isang Houston Rocket.
Sa 131-103 paggupo ng Rockets laban sa New York Knicks, tumipa si Lin ng 13 points.
“Obviously, no one wants to play the way I started the season,” wika ni Lin. “But that is the reality of the situation. And now it’s about forgetting about the past and moving forward.”
Gumawa ng ingay si Lin nang banderahan ang New York sa isang 12-game stretch bago ang All-Star break kung saan siya nagposte ng mga averages na 22.6 points at 8.7 assists.
Matapos ang season sa Knicks, pumirma si Lin ng isang three-year, $25 million deal sa Rockets.
Para sa Houston, naglista si Lin ng average na 10.2 points.
Sa isang laro niya para sa Knicks noong nakaraang season ay umiskor si Lin ng 38 points kontra sa Los Angeles Lakers ni Kobe Bryant.
- Latest