^

PM Sports

Bacolod, Negros Occidental humataw agad sa swimming

Pang-masa

TACLOBAN CITY, Philippines  – Nanalo sina long distance runner Anton Bautista at long jumper Ailyn Tumbale sa kani-kanilang events para maging unang gold me-dalists sa torneo habang komopo ang  Bacolod at Negros Occidental ng tig-siyam na golds sa swimming sa unang araw ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy 2012 Visayas leg sa Leyte Sports Development Center dito.

Namintina ng 14-gulang na pambato ng Aklan na si Bautista, high school sophomore sa Numancia Integrated School, ang kanyang distansiya at isa-isang nalagas ang kanyang mga kalaban para pangunahan ang boys 15-under 5,000-meter run sa tiyempong 18 minuto at 42.7 seconds.

Nakopo naman ng 13-gulang na si Tumbale ng Negros Occidental ang gold medal sa girls 13-under long jump sa kanyang nilundag na 4.65-meter para talunin ang 4.46 metro ni  Ericka Kee ng Bacolod.

Sa kalapit na swimming pool, pinangunahan naman ang Bacolod ng magkapatid na sina Kyla Isabel (4-golds) at Vanessa Gayle Mabus (2-golds).

Tinapatan din ng Negros Occidental ang produksiyon ng Bacolod sa swimming competition sa pa-ngunguna ng kanilang 12-anyos na golden boy na si Dustin Marco Ong na nanalo sa  boys 11-12 200m fly, 400m free, 200m free at 50m fly.

 

AILYN TUMBALE

ANTON BAUTISTA

BACOLOD

DUSTIN MARCO ONG

ERICKA KEE

KYLA ISABEL

LEYTE SPORTS DEVELOPMENT CENTER

NEGROS OCCIDENTAL

NUMANCIA INTEGRATED SCHOOL

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE-PHILIPPINE SPORTS COMMISSION BATANG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with