^

PM Sports

Elma target ang gold sa Asia Masters

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang sumabak si Elma Muros-Po­sadas, ang dating long jump queen ng Asya, sa 17th Asia Masters Athle­tics Championships sa Chi­nese-Taipei.

Babanderahan ni Muros-Posadas ang grupo ng mga beteranong naghaha­ngad na makapag-uwi ng 10 gintong medalya sa na­turang event.

 Bukod kay Muros-Po­sadas, ang ilan pang ka­sama sa 24-athlete team ay sina dating Southeast Asian Games medallists Ler­ma Bulaitan-Gabito, Emerson Obiena, Erlinda Lavandia, Antonio Chee, Elenita Punelas, Danny Jarin at John Lozada.

Nakatakda ang torneo sa Nobyembre 2 hanggang 7.

Ang nasabing grupo ang kumuha ng limang gin­tong medalya sa nasabing event noong 2010 na idi­naos sa Malaysia.

Sasabak si Muros-Po­sadas sa long jump, 100 at 200-meter run at sa 4x100m relay.

Maaari pa siyang su­mali sa kanyang pang li­mang event.

Lalahok si Obiena sa men’s century dash at pole vault, habang lalaban si Lavandia sa shot put, javelin at discus throw events.

Kakampanya si Chee sa pole vault at jave­lin throw, samantalang mag­lalaro si Punelas sa long jump at 4x100 relay at sasali si Bulaitan-Gabito sa long jump at 4x100 relay.

Si Jarin ay mapapano­od naman sa ham­mer at discus throw events ng tor­neo.

ANTONIO CHEE

ASIA MASTERS ATHLE

BULAITAN-GABITO

DANNY JARIN

ELENITA PUNELAS

ELMA MUROS-PO

EMERSON OBIENA

ERLINDA LAVANDIA

JOHN LOZADA

MUROS-PO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with