May injury si Granger
INDIANAPOLIS -- Sisimulan ng Indiana Pacers ang season na wala si star forward Danny Granger na may namamagang kaliwang tuhod.
Sinabi ng Pacers na kukuha pa ang kanilang top scorer at dating All-Star ng ikalawang opinyon mula sa isang duktor dahil sa kanyang knee injury na kanyang natamo sa Eastern Conference semifinals.
Makakalaban ng Indiana para sa kanilang season opener ang Toronto.
Si Granger ay nagtala ng team-best 18.7 points per game average sa nakaraang season.
Malabo ring nasa kondisyon si starting point guard George Hill. Hindi naglaro si Hill sa anumang preseason games ng Pacers bunga ng kanyang injury sa daliri.
Sinabi ni coach Frank Vogel sa The Indianapolis Star na maglalaro si Hill laban sa Raptors.
- Latest