^

True Confessions

La Viuda (58)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Hindi komportable si Hulyana habang nakatingin kay Andres. Napahaplos ito sa kan­yang mga braso na tila kinikilabutan.

“Nabulungan ang lalaking iyan,” Paliwanag ni Hulyana.

“Nabulungan?” Nalilitong tanong ni Ernesto.

“Iyon ang tawag sa taong ginagamitan ng maitim na mahika para mapasunod sila ng mangkukulam,” paliwanag ni Hulyana habang nakatitig sa rosaryo sa leeg ng binata.

“Sa kanya ba itong rosaryo na suot niya?” tanong nito kay Ernesto.

“Hindi. Ako ang nag­lagay sa leeg niya ng rosaryong ‘yan,” sagot ni Ernesto.

“Buti na lang ginawa mo ‘yun. Hindi naging ganap ang bisa ng orasyon dahil sa rosaryong ito.”

“May paraan ba para tuluyan siyang gumaling?” tanong ni Ernesto.

Tumango si Hulyana. “Huwag na huwag mong aalisin ang rosaryong iyan sa kanyang leeg. Maghintay kayo hanggang sa sumikat ang unang liwanag ng araw sa umaga. Ang sikat­ ng araw ang lalamon sa kapangyarihan ni Mang Teban... kapag nag-umaga na, babalik ang sarili niyang katinuan.”

“Salamat, Hulyana.”

Pagkaalis ng da­laga­, mabilis na isinara­ ni Ernesto ang pinto. Na­patingin siya sa lumang orasang tanso sa gilid ng kanyang kama, alas-dose pa lang ng gabi. Napaupo si Ernesto sa sahig sa tabi ng kama, nakatitig sa pinto. Ito na marahil ang magiging pinakamahabang gabi sa kanyang buong buhay.

(Itutuloy)

LA VIUDA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with