^

True Confessions

Apoy sa Balsa (35)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“OH, Ms. Rhea! Nandito ka pa pala!” sigaw ng isa sa kanyang kaopisina nang mapansin siyang nag-aabang sa labas ng building na kanilang pinapasukan.

Sa isang iglap, awtomatikong nag-iba ang kilos ni Kael. Bago pa man sila mabisto ng mga katrabaho ni Rhea, agad niyang ibinaba ang kaniyang hawak na helmet sa upuan ng motor, inayos ang kaniyang delivery jacket, at tumayo nang tuwid na tila isang pormal na messenger na naghihintay ng utos mula sa boss.

“Ah, oo. May hinihintay lang akong documents,” pagsisinungaling ni Rhea, dahan-dahang humakbang palapit kay Kael nang may pormal na distansya upang hindi maging kahina-hinala. Huminto siya nang may isang metrong agwat sa binata. “Kael, ’yung natitirang printout para sa campaign, paki-deliver na lang sa desk ko bukas ng umaga, ha?”

“Opo, Mam Rhea. Makararating po bukas,” pormal at walang emosyong sagot ni Kael, habang nakatungo ang kanyang ulo bilang paggalang.

“Sige, salamat,” sagot ni Rhea, binalingan ang kanyang mga katrabaho ng isang tipid na ngiti bago sila tuluyang lumiko sa kabilang kalsada.

Nang tuluyang mawala sa paningin ang grupo, naghari ang isang mabigat na katahimikan sa pagitan nina Rhea at Kael. Ang tamis at excitement ng kanilang lihim na pagtatagpuan ay biglang napalitan ng malamig na katotohanan.

Tiningnan ni Kael ang helmet na kanyang hawak, bago binalingan si Rhea na nakatayo sa kanyang harapan, suot ang mamaha­ling sapatos, pinaliligiran ng matatayog na gusali.

“Ganito ba palagi, Rhea?” mahinang tanong ni Kael, may bakas ng pagod sa kanyang tinig. “Kailangan nating magkunwari na hindi natin kilala ang isa’t isa tuwing may daraan?”

Napatitig si Rhea sa binata. Walang salitang lumabas sa kanyang mga labi. Sa unang pagkakataon, naramdaman nila na ang pagpapanatili sa kanilang dalawang magkaibang mundo ay hindi lang basta isang kapana-panabik na laro, ito ay isang nakapapagod na labanan kung saan kailangan nilang laging lumi­ngon sa kanilang likuran. (Itutuloy)

RHEA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with