^

True Confessions

Breakdancer, nagkaroon ng permanenteng bukol sa ulo dahil madalas mag-headspin!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang American breakdancer na madalas mag-headspin sa tuwing sumasayaw ang nagkaroon ng permanenteng bukol sa kanyang ulo.

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala kamakailan sa BMJ Case Reports journal, ang headspinning ay maa­aring magdulot ng pagkakalbo at mag-develop ng permanenteng umbok sa ulo ng mga nagsasagawa ng dance move na ito.

Mababasa sa natu­rang medical case report, ang breakdancer na na­ging focus ng research ay napag-alaman na 19 na taon nang ginagawa ang pag-headspin.

Ayon dito, limang araw kada linggo siyang sumasayaw at dalawa hanggang pitong minuto kada araw siya naghe-headspin.

Matagal na niyang napansin na nagkakaroon ng bukol sa kanyang bumbunan, ngunit nitong nakaraang limang taon lang niya naramdaman ang pagsakit nito.

Gayunpaman ang pagkakaroon ng bukol at ang pananakit nito ay hindi na­ging hadlang sa pagsayaw at pagpapatuloy sa pag-headspin.

Ang headspin ay isang advanced na breakdancing move kung saan umiikot ang mananayaw sa ibabaw ng kanilang ulo habang nakabalanse, karaniwang patuloy na umiikot ng ilang beses.

Sa move na ito, ang ulo ng breakdancer ay nagsisilbing pivot point habang ginagamit ang kanilang mga kamay o katawan para magpatuloy sa pag-ikot.

Matapos suriin sa CT-Scan ang bukol ng lalaki, napagdesisyunan ng mga doktor na tanggalin ang bukol sa pamamagitan ng operasyon at bawasan ang anit ng pasyente upang pantayin ito sa paligid.

Kilala bilang “breakdancer overuse syndrome,” ang kakaibang kondisyon na ito ay bihirang napag-aaralan ng mga eksperto. Sa isang pag-aaral sa Germany, natuklasan na sa 100 breakdancers na sinuri, 31 percent ang nagkaroon ng pagkakalbo sa bumbunan at 24 percent  ang nagkaroon ng bukol, habang 37 percent sa kanila ay nagkaroon ng pamamaga ng anit.

Sa limitadong ­pananaliksik tungkol sa “breakdancer overuse syndrome,” napag-a­laman na ang madalas na pag-headspin nang higit sa tatlong beses sa isang linggo, kahit pa ilang minuto lamang, ay mataas ang panganib ng pagkakalbo at pagkakaroon ng permanenteng bukol.

ULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with