Hiyasmin (72)

“Huwag mo na munang sabihin kay Nanay, Sir Dax na pinag-aaral mo ako at hindi naman talaga boarder,’’ sabi ni Hiyasmin.

“Bakit?’’

“Natatakot po kasi ako.’’

“Bakit ka natatakot?’’

“Kasi po baka magka­mali ako sa aking mga gi­nagawa rito sa bahay e mapansin ni Nanay—halimbawa, marumi ang pagkakahugas ko ng pinggan e di maaari niya akong sermunan o pagalitan dahil pinag-aaral mo ako. Kung magpapatuloy ang pagkakaalam niya na boarder ako, hindi siya basta makapagsasalita. Iyan po ang dahilan kaya ayokong malaman niya.’’

“Tama ka, Hiyasmin­. Huwag na nga nating sabihin. Gaya nang nasabi ko sa iyo, perfectionist ang nanay ko. Gusto niya laging tama ang mga gina­gawa. Baka nga magkamali ka halimbawa sa pagluluto ng ulam at hindi niya nagustuhan e sermunan ka. Kabisado ko ang nanay ko, gusto niya, bawat gaga­win ay perfect.’’

“Mabuti na pong may pagitan sa amin kahit kaunti.’’

“Oo nga tama ang sinabi mo. Kaya tuloy ang ating drama na ikaw ay dakilang boarder.’’

“Opo at lalo ko namang paghuhusayan ang mga ginagawa para maakit pa lalo ang kalooban niya.’’

“Ang galing mo, Hiyasmin dahil madali mo siyang nakasundo.’’

Napangiti si Hiyasmin.

ISANG gabi, nagtaka si Dax kung bakit wala pa si Hiyasmin. Dati naman ay hindi ginagabi si Hiyasmin at nauuna pa sa kanya. (Itutuloy)

Show comments