Hiyasmin (59)
“ALAM mo Hiyasmin, may Pinay pa sa Kuwait na pinatay at saka inilagay ang katawan sa freezer,’’ sabi ni Dax.
Nahindik si Hiyasmin.
“Totoo po Sir Dax?’’
“Pero hindi naman Kuwaiti ang gumawa ng karumal-dumal—parang ibang lahi yata.’’
“DH din po ang Pinay?’’
“Oo.’’
“Grabe pala talaga sa Kuwait.’”
“Kaya nga nagkaroon ng total ban ng OFWs sa Kuwait dahil sa pangyayari. Pero na-lift na yata ngayon.’’
“Sana itigil na ang pagpapadala ng DH sa Kuwait ano Sir Dax?’’
“Mahirap mangyari yun, Hiyasmin. Wala kasing maibigay na trabaho rito sa ating bansa kaya nagpupunta sa Kuwait at sa ibang bansa.’’
“Palagay ko Sir kulang sa abilidad ang ilang Pinoys. Puwede namang umasenso rito kung tutuusin. Bakit ang iba, successful? May nagnenegosyo at pumapatok.’’
“Sabagay tama nga.”
“At saka para mabawasan na ang mga nabubuntis na Pinay. Para hindi na madagdagan ang tulad ko.’’
Napangiti si Dax.
ISANG araw ng Sabado, may dumating na bisita si Dax. May tumawag mula sa labas.
“Sino kaya yun?’’ tanong ni Dax.
“Parang babae ang boses, Sir Dax!’’
Itutuloy
- Latest