^

True Confessions

Suklam (151)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Ano pang pinag-usa­pan n’yo ni Mama, Brent?’’ tanong ni Lea.

“’Yun lang tungkol sa relasyon natin at ang hindi niya pagpapatawad sa iyong papa. Ayon sa kanya, magiging plastic lang siya kung papatawarin niya pero malalim pa rin ang iniwang sugat. Nagsasabi lang daw siya ng totoong damdamin.’’

“Ganyan talaga si Mama. Ang nasabi ay pinaninindigan at walang makaka­pagpabago ng mga iyon.”

“Oo nga, Leah. Kaya nga hanga ako sa mama mo.’’

“Wala siyang pinagsisisihan sa hindi pagpapatawad kay Papa.’’

“Pero ikaw, napatawad mo na ang papa mo?”

“Kung ano ang posisyon ni Mama, ganun din ako. Nadama ko kasi ang sakit na ginawa ni Papa kay Mama.’’

Napatango na lang si Brent. Siya man ay ganun­din ang nadama nang gumawa ng kasalanan ang kanyang mama. Pinatawad ng kanyang papa ang kan­yang mama pero siya ay hindi. Dumalaw siya sa kan­yang mama pero iyon ay para pagbigyan lang ang kanyang papa.

Hindi inaasahan ni Brent ang pagtawag ng kaibi­gang si Julio. Hiniling ni Julio na magkita sila.

Nagkita sila sa isang res­taurant kinagabihan.

“Kumusta Julio? Muk­hang wala ka nang problema.”

“Wala na. Patay na ang naghatid ng problema.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BRENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with