Suklam (136)

“Nakasilip kami sa pintuan ng kapatid ko at inaabangan ang gagawin ni Mama sa biglang pagda­ting ni Papa. Nasa may gate si Papa. Nakatayo. Payat. Hindi siya pinapasok ni Mama at sa halip ay pinagmumura. Kitang-kita namin ng kapatid ko ang ginawa ni Mama na pagsasalita nang mala­kas. Maraming kapitbahay na­min ang nakadungaw sa bintana at nagulat sa ma­lakas na pagsasalita ni Mama. Hindi na napigil ni Mama ang sarili at hindi na rin naisip kung ano ang sasabihin ng mga tao o mga kapitbahay namin.

“Narinig kong sabi ni Mama kay Papa na huwag na huwag itong tutuntong sa aming bahay. Pinagta­buyan ito ni Mama. Galit na galit si Mama. Noon ko lang nakita si Mama kung paano magalit. Nakakatakot pala si Mama kung magbitaw ng salita. Halos mapuno ng kanyang boses ang kahabaan ng Sulucan.

“Makaraang sigawan ni Mama si Papa, umalis na ito. Nang makaalis si Papa, saka lamang pumasok sa loob ng aming­ bahay si Mama at saka ito humagulgol ng iyak. Pinayapa namin ng ka­patid ko si Mama. Niya­kap namin nang mahigpit.

“Umiyak na rin kami ng kapatid ko.’’

(Itutuloy)

Show comments