“Hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala!’’ sabi ni Leah.
“Hindi pa naman masyadong gabi,’’ sabi naman ni Brent at kinawayan ang tagasilbi para mag-bill out.
“Kasi maaga akong dumarating sa bahay—past five nasa bahay na ako.’’
“Ako rin mga ganung oras ay nasa bahay na ako.’’
“Napasarap kasi ang kuwentuhan natin. Ang dami mo kasing baon na kuwento, ha-ha-ha!’’
“Nalibang ka sa kakenkoyan ko?”
“Oo!’’
“Kasi’y nalaglag ang wallet mo kaya ayan nagkaroon ka ng kakilala na mahilig magkuwento.’’
“Oo nga. Salamat at ikaw nakapulot.’’
“Ilang beses ka nang nagpasalamat tungkol sa wallet.’’
“Magpapasalamat pa ako mamaya bago tayo maghiwalay, ha-ha-ha!’’
Maya-maya lumapit na ang babaing may dala ng bill.
Binayaran ni Brent.
“Tayo na, Leah. Ihatid na kita!’”
“Talagang ihahatid mo ako?’’
“Oo.’’
Lumabas sila sa coffee shop.
Masayang nagkukuwentuhan habang patungo sa parking area.
Nang marating ang kinapaparadahan, maginoog binuksan ni Brent ang pinto ng kotse at pinasakay si Leah.
“Salamat.’’
Saka sumakay si Brent.
“Saan nga pala kita ihahatid?’’
“Sa Earnshaw, malapit sa Sulucan.’’
Gulat na gulat si Brent.
“E malapit lang kami roon ah!’’
(Itutuloy)