KAPAG nasa kanyang opisina si Brent, hindi rin niya maiwasang mag-isip sa kanyang kinabukasan. Nagkakaedad na rin siya at dapat nang humanap ng makakasamang babae habambuhay. Gusto niyang magkaroon ng sariling pamilya. Gusto niya magkaroon ng mga anak—dalawang lalaki at isang babae. Gusto niyang mapalaki at mapag-aral sa mahusay na school ang mga anak. Gusto niyang mailagay sa ayos ang buhay ng mga ito. Gusto niyang magkaroon nang magandag kinabukasan na malayo sa dinanas niya.
Pero paano siya makabubuo ng pamilya kung wala siyang nililigawang babae. Napakaimposible na mangyari ang kanyang pangarap kung walang babae na makaka-partner. Kailangan ang katuwang na babae para maisakatuparan ang lahat.
Pero saan niya matatagpuan ang pinapangarap na babae? Saan niya ito makikita? Parang napakaimposible na makakita siya ng pinapangarap na babae?
Pero sabi ng tatay niya, dumarating daw na hindi inaasahan ang makaka-partners sa buhay. Totoo kaya yun? Mayroon kayang ganun na biglang darating ang babaing makaka-partner?
Paano kung ang dumating na babae ay hindi ang pinapangarap niya? Paano kung ang dumating ay magdudulot sa kanya ng dusa at pait gaya nang nangyari sa kanyang ama? O kaya’y tulad ng nangyari kay Julio?
Napabuntunghininga si Brent.
Sunud-sunod.
Parang imposible siyang makakita ng babaing makakasama habambuhay. Nang babaing matapat at hindi sisira sa pagsasama.
Saan niya hahanapin ang babaing yun?
Sana makakita siya ng palatandaan na yun na ang babaing makakasama habambuhay.
Pero saan nga ba naroon ang babae?
(Itutuloy)