^

True Confessions

Suklam (109)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Natatakot kang mag­­hanap ng ma­pa­pangasawa, Brent?’’ tanong ng kanyang tatay na may pagtataka.

“Oo ‘Tay’’

“Bakit?’’

Hindi agad sumagot si Brent.

Nag-isip muna.

“Kasi, ‘Tay, natatakot akong ang mapangasawa ay hindi maging tapat sa akin.’’

“Natatakot kang manga­lunya o mangaliwa ang ma­papangasawa mo?’’

Tu­­mango si Brent.

Napatitig si Tatay sa anak. Hindi niya ito masisisi dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. Kahit nagpatawad na si Brent, ang sugat ay naroon pa rin at kapag nasaling ay humahapdi. Hindi niya maaaring pagsabihan ang anak na kalimutan ang nangyari.

“Magpasya ka, Brent. Ikaw ang higit na makaka­kilala sa babaing kakasamahin mo habambuhay. Matalino ka kaya alam mo ang karapat-dapat. Malalaman mo sa kilos, ugali at pinagmulan ang nararapat na babae.’’

“Opo ‘Tay.’’

“Alam ko, hindi ka magkakamali. Mabuting babae ang mapipili mo.’’

“Sana nga ‘Tay.’’

“Kaya mag-umpisa ka nang maghanap ng babaing kakasamahin mo. Gusto ko nang magkaroon ng apo. Gusto ko may kakargahing apo gaya ng mga kumpare ko. Nagpapayabangan sila ng apo. Kinakantiyawan ako.’’

“Hayaan mo ‘Tay.’’

“Ang saya ko siguro kung mayroon ng apo.’’

“Baka maunahan ako ni France, ‘Tay, ha-ha-ha!’’

“Baka nga, Brent!’’

“Okey lang kung mauna siya.’’

“Pilitin mong ikaw ang mauna!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with