Suklam ­(49)

“Tama ang kutob ko noon na pinagtataksilan ako ni Vivian pero hindi pa rin ako ganap na naniwala, pero ngayon, totoo na,’’ sabi ni Julio.

Hindi naman makapagsalita si Brent. Ano naman ang sasabihin niya rito? Nabigla rin siya sa pagtawag ni Julio.

“Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nagawa sa akin ni Vivian yun. Wala naman akong pagkukulang sa kanya. Mabuti naman akong asawa at ama. Wala akong maisip na dahilan,’’ at tumigil sa pagsasalita.

Nang muling magsalita, nakiusap kay Brent.

“Magkita tayo bukas Brent.’’

“Sige, Julio.’’

Sinabi ni Julio kung saan.

KINABUKASAN, nagkita sila sa isang restaurant. Malungkot si Julio.

“Pinabayaan ko na si Vivian at lalaki niya,’’ sabi nito.

“Tama yun, Julio. Tama ang ginawa mo.’’

(Itutuloy)

Show comments