Suklam (30)
Kumakain ng hapunan si Brent. Nanonood ng balita sa TV ang kanyang tatay. Mula nang maging bago ang kanilang TV, enjoy na enjoy ang tatay ni Brent sa panonood. Bukod sa balita, paborito ring panoorin ng tatay ni Brent ang mga pelikula ni FPJ. Inaabot ng hanggang alas diyes ng gabi ang panonood ng pelikula ng kanyang tatay. Yun lamang ang tanging libangan ng kanyang tatay.
“May magkalaguyo na namang nahuli ng mister o. Nasundan sa motel,’’ sabi ng kanyang tatay habang nanonood ng balita. Lumingon si Brent. Nakita ni Brent sa screen ng TV ang isang lalaki at babae na nahuli sa motel. May kasamang pulis ang mister na nakahuli.
“Puwede palang magsama ng pulis kung huhulihin sa akto ang mga taksil,’’ sabi pa ng tatay niya habang hindi kumukurap sa panonood.
“Napakarami na ngayong nahuhuling nagtataksil. Di ba kailan lang may nahuli rin sa motel?’’
“Oo ‘Tay.’’
“Bakit kaya marami ngayong nagtataksil?’’
“Maski naman noon pa, ‘Tay marami nang nangyayring kataksilan. Kasuklam-suklam!’’
Hindi nagsalita ang kanyang tatay. Nagpatuloy ito sa panonoood ng balita.
“Maski sa aming opisina, may nagtataksil! Dun pa nagpaparaos!’’
Napatingin kay Brent ang tatay niya.
“Kaopisina mo?’’
Tumango si Brent.
“Paano mo nalaman?’’
“Nakita ko mismo Tatay—maraming beses na.’’
“Paano mo nakita?’’
Ikinuwento ni Brent.
Patda ang tatay niya.
(Itutuloy)
- Latest