Araw ng suweldo. Kinahapunan, nagdaan sa isang appliance store si Brent. Bibili siya nang malaking TV. Sosorpresahin niya ang kanyang tatay. Flat screen ang bibilhin niya. Para masiyahan ang kanyang tatay sa panonood. Ang panonood sa TV ang tanging libangan ng kanyang tatay makaraang magretiro sa pagmamaneho. Matagal na ring pinagtitiisan ng kanyang tatay ang luma nilang TV.
Sinabi niya sa kanyang kapatid na huwag sasabihin sa kanilang tatay ang pagbili ng bagong TV. Gusto ni Brent ay masorpresa ang kanyang tatay.
Mabilis na nakabili si Brent nang malaking TV na flat screen. Naiimadyin na niya ang magiging ekspresyon ng kanyang tatay. Tiyak na mamumulagat kapag nakita ang bagong TV.
Mabilis siyang nakauwi. Nabuksan niya ang kanilang gate na walang kaingay- ingay at naipasok niya ang malaking TV.
Mayroon naman siyang susi pinto kaya hindi na niya kailangang kumatok. Isa pa, alam niyang nagluluto ng hapunan ang kanyang tatay.
Nabuksan niya ang pinto nang walang kaingay-ingay. Pero nakalikha siya ng ingay nang bumagsak ang susi sa sahig. Nakasugod ang kanyang tatay sa pinto. Buking na siya!
“’Tay sorpresa ko sa’yo, malaking TV!’’
“Oo nga ang laki!’’sabi ng kanyang tatay na halatang masayang-masaya. “Mahal siguro ito!’’
“Medyo. Gusto ko masiyahan ka sa panonoood. Napapansin ko kasi, inaantok ka sa lumang TV.’’
“Oo nga. Dahil siguro sa radiation.’’
“Ngayon, hindi ka na aantukin.’’
“Oo nga. Salamat Brent.’’
“Walang anuman,’Tay!’’
(Itutuloy)