Suklam (10)

Lihim na inoob­serbahan ni Brent ang mister ni ­Vivian. Mukha namang mabait at tila walang imik. Yung tipo ng­ ­lalaking ­ngingiti-ngiti lang sa isang tabi na kung hindi kakausapin ay hindi magsasalita. Bakit kaya nagawang pagtaksilan ni ­Vivian. Hindi naman ito katandaan na sa tantiya ni Brent ay mga past 40 lamang. Mukhang kaya pang ipagkaloob ang pangangailangan ni Vivian. Pero bakit pinatulan ni Vivian si Oscar. Baka may ginagawa si Oscar na hindi ginagawa ng mister ni ­Vivian. Baka mahusay sumisid ng tahong si Oscar.

Napabuntung­hininga na lang si Brent at nakadama muli ng awa sa mister ni Vivian. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang inventory.

Nang muli siyang tumingin sa kinauupuan ng mister ni ­Vivian, paalis na ito at ang anak at inihahatid ni ­Vivian sa may elevator. Ba’t kaya aalis na? Ba’t hindi kasama si Vivian e wala naman talaga siyang obertaym kapag Sabado.

Hindi kaya naghihinala ang mister at gustong matiyak kung nag-oobertaym si ­Vivian?

Posible.

O baka naman sadyang isinama ni Vivian ang mister para ipakita na talagang nag-oobertaym siya kapag Sabado.

Napailing-iling na lang si Brent. Ipinagpatuloy niya ang pag-iimbentaryo.

Nang mag-breaktime, napansin niya biglang nawala sa puwesto si Oscar. Nang tingnan niya si ­Vivian sa opis nito—wala rin.

Alam na niya kung nasaan ang dalawa.

(Itutuloy)

Show comments